
Cauayan City – Naaresto ng San Manuel Police Station ang isang Top 3 Provincial Most Wanted Person na sangkot sa kasong pagpatay, sa Brgy. Villanueva, San Manuel, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas βRogie,β 68-anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng mandamiento de aresto para sa kasong Murder na isinampa laban dito.
Dahil sa bigat ng kasong kinahaharap nito, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ayon kay Acting Provincial Director PCOL Manuel Bringas, naging matagumpay ang operasyon dahil sa mas pinaigting na intelligence-driven operations at paggamit ng makabagong teknolohiya sa law enforcement.
Dagdag pa ng opisyal, patuloy na hinihikayat ng IPPO ang publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyong makatutulong sa mas mabilis na pagdakip sa mga wanted persons at sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










