𝗟𝗢𝗟𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘

Aksidenteng nasakal ng Isang nakahambalang na kable sa gitna ng kalsada ang Isang 59 anyos na lalaki sa Brgy.Poblacion, Bani, Pangasinan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Elmer Oiga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng kaniyang motorsiklo ang biktima nang hindi nito napansin ang nakalaylay na kable ng kuryente. Dahil dito nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima.

Bago pa mahulog ang biktima sa minamanehong motor, pumulupot ang kable sa leeg nito.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima matapos magtamo ng sugat sa leeg at ilang bahagi ng katawan ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments