𝗟𝗢𝗟𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗜𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang 82 anyos na Lolo matapos pagtatagain ng kaniyang nakainuman sa Brgy. Doyong, Calasiao, Pangasinan.

Ang suspek ay 52 anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng biktima nang magkasagutan ang mga ito. Sa init ng tensyon, umuwi saglit ang suspek at kumuha ng itak.

Hinamon umano ng suspek ang biktima kaya kumuha rin ito ng patalim.

Naawat ang mga ito ng makita ng kaanak ng biktima ang insidente.

Naaresto ng pulisya ang suspek at kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa ospital.

Hinihintay pa ang pasta ng biktima kung ito ay magsasampa ng kaso laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments