𝗟𝗧𝗢𝗣𝗙 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Cauayan City – Ngayon ang ikalawa at ang huling araw ng isinasagawang License To Own and Possess Firearm Caravan sa lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team sa hepe ng Cauayan City Police Station na si Police Lieutenant Colonel Ernesto Nebalasca Jr., hinihikayat nito ang mga Gun Enthusiasts at Gun Owners na samantalahin ang pagkakataong ito.

Ayon kay PLTCOL Nebalasca, isa sa layunin ng nabanggit na Caravan na mas mapadali ang pagsasaayos ng mga dokumento at requirements lalo na ng mga gun owners na paso na ang kanilang mga rehistro at lisensya.


Ngayong huling araw ng Caravan ay inaasahan na hahabol pa upang magparehistro ang mga Gun Enthusiasts at Gun Owners hindi lamang mula sa lungsod ng Cauayan kundi pati na rin ang mga mula pa sa karatig-bayan.

Facebook Comments