𝗟𝗧𝗢 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗣𝗢𝗦𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔-𝗜𝗠𝗣𝗢𝗨𝗡𝗗

Isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) Dagupan District Office ang clearing operations o decluttering sa mga na-impound na motorsiklo ng kanilang tanggapan.

Layunin nito na masigurong handa ang impounding areas sa parating na disposal process.

Ito ay base na rin sa direktiba ng LTO Regional office na magkaroon ng hakbang sa paglilinis sa mga impounding area. Pinakamarami ang na-impound na motorsiklo ng tanggapan na matatagpuan sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Samantala, pinaigting ng tanggapan ang ang pagbabawal sa paggamit ng hindi awtorisadong busina at pailaw sa mga motor vehicles. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments