𝗟𝗧𝗢 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝟴𝟱𝟬 𝗡𝗔 𝗩𝗜𝗢𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗟𝗢𝗥𝗨𝗠 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡

Umabot na sa 850 ang naitalang bilang ng mga violations ng mga pumapasadang kolorum na sasakyan sa lungsod ng Dagupan, ayon sa datos ng Land Transportation Office (LTO).

Ayon sa LTO Dagupan, Mahigpit na ipinagbabawal ang pamamasada ng mga kolorum na pampublikong sasakyan sa mga kalsada sa lungsod.

Dahil umano sa ginagawa ng mga kolorum na sasakyan, apektado ang mga awtorisadong pampublikong sasakyan.

Hinikayat ng LTO Dagupan ang publiko na huwag tangkilikin ang mga kolorum na sasakyan upang masiguro ang kaligtasan.

Paalala naman nito sa mga driver ng mga kolorum na sasakyan na iparehistro ang kanilang sasakyan upang maiwasang mag multa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments