𝗟𝗧𝗢 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗥𝗣𝗥𝗜𝗦𝗘 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦

Nagsagawa ang Land Transportation Office 1 (LTO) ng Surprise inspections bilang pagtugon at pagsisiguro ng maayos na serbisyo para sa mga stakeholder ng tanggapan.

Ngayong buwan, nakapagtala ng tatlong private na Emmission testing Centers, apat na medical clinics at tatlong driving schools, na ininspeksyon ukol sa kanilang pakikiisa sa mga layunin ng ahensya, gayundin ng pagsunod sa mga itinalagang pamantayan ng tanggapan.

Sa kanilang paglilibot ineksamin nila ang mga kagamitan, dokumento, at kinapanayam ang mga personnel para masiguro ang kanilang pakikiisa sa layuning ng tanggapan. Gayundin, kanilang sinuyod ang mga posibleng pang-aabuso sa tungkulin at mga illegal na aktibidad sa kanilang mga opisina.

Samantala, ayon sa tanggapan ng LTO 1, ang mga ganitong surprise inspections ay hindi upang makahanap ng butas sa mga ahensya, kung hindi, upang masigurado na legal at maayos ang pagpapatakbo ng mga ito alinsunod sa mga ibinababang regulasyon ng LTO.

Ayon pa sa kanila, asahang mas maraming opisina pa ang kanilang bibisitahin para masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng sistemang pang-transportasyon sa kalakhang rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments