LTO REGION 1 NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MGA BUMABYAHENG SASAKYAN KASUNOD NG LONG WEEKEND
Puspusan ang isinasagawang roadside inspection ng Land Transportation Office Region 1 Law Enforcement Services kasabay ng long weekend.
Tinitignan ng ahensya kung ang isang driver ay holder ng driver’s license at mga kaukaukang dokumento ng bawat motorista na papasok ng Ilocos Region upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito at ng kanilang pasahero sa pagbyahe.
Sa pamamagitan ng inspeksyon, nabubusisi rin ng LTO ang mga sasakyan na roadworthy o kakayanin pang bumiyahe upang maiwasan ang anumang aksidente.
Samantala, hinihikayat din ng ahensya ang mga publiko na magsumbong sa kanilang tanggapan sakaling makaranas ng pang aabuso sa mga public utility vehicle. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨