𝗟𝗧𝗢 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗧𝗛𝗘𝗢𝗥𝗘𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Patuloy na dinadala ng Land Transportation Office Region 1 ang libreng theoretical driving course sa mga bayan ng Pangasinan.

Kamakailan lamang ay dinaluhan ng daan-daang residente ng Asingan at San Carlos City ang naturang aktibidad sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.

Aminado ang karamihan sa mga nakilahok na malaking bawas sa gastusin ang libreng driving course bilang inisyal na hakbang sa pagkuha ng driver’s license.

Katunayan, sa lungsod ng San Carlos pinalalakas ng lokal na pamahalaan ang partisipasyon ng kabataan sa mga ganitong aktibidad na pinangungunahan ng SK Federation ng lungsod at Local Youth Development Office.

Nagpapatuloy ang target ng LTO na bawasan ng 35 porsyento ang road crash na maitatala sa taong 2025 na nakapaloob sa Road Safety Action Plan.

Hangarin ng tanggapan na makabuo ng bagong henerasyon ng responsableng driver sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments