𝗟𝗧𝗢 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗪𝗘𝗟𝗟-𝗔𝗗𝗗𝗥𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗔𝗧 𝗭𝗘𝗥𝗢 𝗕𝗔𝗖𝗞𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗦𝗬𝗨 𝗡𝗚 𝗣𝗟𝗔𝗞𝗔

Tiniyak ni LTO Regional Office 1 Director Glorioso Martinez ang kasiguraduhan ng well-addressed na ang pag-isyu ng tanggapan ng mga plaka para sa nakaraang taon at ngayong 2024.

Aminado si Martinez sa problemang kinaharap ng tanggapan kamakailan lamang ukol sa plaka. Ngunit pagtitiyak nito ngayon na hindi na magkakaroon ng backlogs ukol dito.

Pagbabahagi niya, nasa 35,294 na mga bagong plaka ang maari nang nakuha ng mga motorista. Makikita rin aniya ang availability ng mga plaka sa website ng tanggapan.

Kaugnay nito, nagbigay paalala din ang tanggapan sa mga hindi awtorisado na online transactions na nag-aalok ng mas madaling transaksyon sa tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments