𝗟𝗧𝗢 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦, 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗦

Mas paiigtingin ng Land Transportation Office San Carlos City ang isasagawang inspeksyon sa mga terminal ng sasakyan bilang paghahanda sa holiday season.

Ayon Kay LTO San Carlos District Office Chief Mrs. Aileen Peteros, inaasahan na nila ang dagsa ng mga byabyahe ilang araw bago ang kapaskuhan kung kaya’t asahan na rin na magiging aktibo ang law enforcers.

Dahil dito, puspusan ang kanilang panawagan sa publiko partikular sa mga babyahe na isaalang-alang ang pagiging roadworthy conscious ng kanilang sarili at maging ng mga sasakyan.

Dagdag pa riyan ang pinaigting na inspeksyon sa mga terminals kung saan mas nagiging aktibo pa umano ang mga law enforcers.

Samantala, ilang bus companies naman sa lungsod ng Dagupan ang naghahanda na sa inaasahang dagsa ng mga byahero sa ikatlong linggo ngayong buwan ng disyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments