𝗟𝗨𝗠𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗘𝗟𝗜𝗚𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗕𝗟𝗢, 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗔

 

CAUAYAN CITY- Natapos na ng Department of Public Works and Highways- Isabela First District Engineering Office ang pagpapalit ng Manga Bridge sa San Pablo, Isabela.

 

Ang nasabing proyekto ay may habang 32 metro at pinondohan ng 31.3 milyong piso sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2023.

 

Nagsimula ang konstruksyon nito noong ika-17 ng Abril taong 2023 at natapos noong ika-22 ng Marso taong kasalukuyan.


 

Ayon kay District Engineer Deoferio Vehemente Jr., ang dating tulay ay kinailangang palitan dahil marupok na ito at delikado na sa mga dumaraan at mga motorista.

 

Aniya, isang patunay lamang ang pinalitang tulay na nakatuon ang kanilang ahensya sa pagpapaganda at pagsasaayos sa mga imprastraktura para sa ikakaunlad ng rehiyon.

Facebook Comments