Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Dagupan dahil sa malawakang pagbaha at epekto na iniwang pananalasa ni Bagyong Kristine sa lungsod.
Ito ay sa bisa ng inaprubahang Resolution No. R- 6430 sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan kahapon.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Mayor Belen T. Fernandez, tinatayang nasa higit 35, 000 hanggang 38, 000 na mga pamilya ang naitalang apektado dahil sa bagyo sa lungsod.
Aniya, apektado ang kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda, motorboat, jeepney, tricycle drivers/operators, vendors, porters, at iba pang residente.
Lahat ng tatlumpo’t-isang barangay ng lungsod ay apektado kung saan dalawampu’t-isang barangay ang nabaha dahil sa storm surge habang ang sampu naman ay binaha rin dahil sa high tide at malakas na buhos ng ulan.
Kasabay nito ang pag-apruba sa calamity funds na magagamit pantugon sa mga apektadong residente at iba’t-ibang sektor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨