Cauayan City – Itinanghal ang lungsod ng Santiago bilang isa sa Outstanding LGU Highly Urbanized and Independent Component Cities sa ginanap na 2024 National Literacy Awards.
Ang parangal na ito ay pagkilala sa natatanging kontribusyon ng lungsod sa pagsusulong ng literasiya at edukasyon para sa kapakanan ng mamamayan.
Ang Gawad Liyab ay isang prestihiyosong parangal na ibinibigay sa mga local government units (LGUs) at non-government organizations (NGOs) na may matagumpay na implementasyon ng mga makabuluhang programa.
Layunin nitong kilalanin ang mga inisyatibang nagdudulot ng positibong pagbabago sa mga komunidad.
Sa ilalim ng mga proyekto ng lungsod, pinagtibay ang kahalagahan ng edukasyon upang makatulong sa pagsulong ng kabuhayan, kaalaman, at kalidad ng pamumuhay ng mga residente.
Samantala, ang mga programang ito ay naging modelo para sa iba pang LGUs na nais palakasin ang kanilang adbokasiya.