Cauayan City – Ginawaran ng Department of Trade and Industry ang Cauayan City ng parangal na Lunsod Lunsad Award kahapon ika-6 ng Hulyo, taong kasalukuyan.
Ang parangal na ito ay isang inisyatiba na layuning ipakita ang pagbibigay suporta sa mga proyekto, programa, at aktibidad (PPA), upang mas mapatatag ang malikhaing entrepreneurship, capacity building, skill development, at job creativity ng komunidad.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na pinarangalan ang lungsod ng Cauayan ng nabanggit na award.
Dahil dito, personal na tinanggap ni Cauayan City Mayor Hon. Jaycee Dy ang parangal, kung saan isa ang lungsod ng Cauayan sa 63 recipient ng nabanggit na parangal.
Samantala, ang parangal na ito ay alinsunod sa RA 11904 o mas kilala bilang Philippine Creative Industries Development Act (PCIDA) na pinagtitibay ang pag-unlad ng creative sector sa bansang Pilipinas.