Inihayag kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nasa ‘normal condition’ na ang Luzon Grid matapos ang makailang beses na pagsasailalim sa Yellow at Red Alert Status.
Naranasan ang power outage ng ilang oras sa tukoy na mga bahagi sa Luzon dahilan ang pansamantalang pag-implementa ng Manual Load Dropping (MLD).
Nasa 14, 276MW na ang available capacity at 10, 763MW naman ang demand.
Samantala, hakbang ito ng nasabing ahensya upang matiyak umano ang sapat at maaasahang suplay ng kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments