Ikinabahala ng grupong ban toxics ang maagang pagbebenta ng paputok sa ilang bahagi ng bansa sa mga pampublikong pamilihan.
Sa isinagawang monitoring ng Ban Toxics, laganap na ang bentahan ng paputok gaya ng five star at piccolo na pawang ipinagbabawal na ibenta sa ilalim ng Republic Act 7183.
Nakasaad sa RA 7183 na bawal ang magbenta, gumawa, magdistribute at gamitin ang mga paputok na tulad ng five-star at piccolo.
Dahil dito, nananawagan ang grupo sa pamahalaan na tuluyang ipagbawal ang nabanggit na paputok.
Ayon sa DOH Fireworks-Related Injury Surveillance, nakapagtala sila ng 609 na fireworks-related injuries noong 2023, mataas ng 98 percent mula sa 307 noong 2022.
Layon ng grupo na ipalaganap ang maagap at maingat na pagsalubong sa bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨