𝗠𝗔𝗔𝗟𝗜𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Patuloy na nararanasan ngayon sa lalawigan tulad sa lungsod ng Dagupan ang maalinsangang panahon lalo na sa tanghali hanggang hapon dahil sa epekto ng El niåo phenomenon.

Nagbigay ng paalala ang mga health authorities na mainam na ingatan ang mga sarili at panatilihing hydrated ang pangangatawan.

Maaaring makakuha ng iba’t ibang sakit sa nararanasang init ng panahon tulad ng dehydration, pagkahilo, sipon at ubo maging nose bleeding.

Ayon sa PAGASA, asahan na posibleng tumaas pa ang nararamdamang heat index sa lungsod.

Matatandaan na noong nakaraang taon, isa ang lungsod ng Dagupan sa nakaranas ng mataas na temperatura ng heat index kung saan umabot sa higit 40 Degree Celsius. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments