Aasahan pa hanggang susunod na buwan ang nararanasang mababang presyo ng itlog sa merkado.
Ito mismo ang kinumpirma ni Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Engineer Rosendo So sa naging panayam nito sa IFM Dagupan.
Ayon kay Engr. So, marami ang suplay at produksyon ng itlog sa probinsiya kung kaya’t nakararanas ng bahagyang pagbaba sa presyo nito sa ngayon.
Ang presyo, naglalaro mula ₱4 hanggang ₱8 sa mga pamilihan sa Pangasinan depende sa sukat nito.
Samantala, ang ibang mga itlog naman sa probinsya ay ibinibiyahe pa palabas upang maibsan kahit papaano ang nararanasang oversupply nito sa lalawigan.
Ang dahilan ng naturang oversupply, aniya, ay dahil hindi pa apektado ng umiiral na El Niño phenomenon ang produksiyon ng itlog sa lalawigan kaya nararanasan ang pagbaba ng presyo nito ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨