Tinatangkilik ngayon ng mga mamimili ang mababang presyuhan sa kada kilo ngayon ng produktong bigas sa mga pamilihan sa lalawigan.
Ang mababang presyo, ikinatuwa ng mga mamimili kung saan nasa ₱46 hanggang ₱47 ang pinakamurang halaga kada kilo nito.
Sapat na suplay ngayon matapos ang rice harvesting ang isa sa dahilan kung bakit bumaba ngayon ang presyo ng bigas.
Sapat dun umano ang suplay na ibinebenta ng mga rice retailers dahil nakakabili rin sila ng bigas sa mas mababang presyo.
Ang ilang konsyumer naman, bagamat natuwa sa mababang presyuhan ng bigas ngayon sa pamilihan, kagandahang uri pa rin ng naturang produkto ang kanilang binibili kung saan ang presyo naman ay naglalaro mula ₱49 hanggang ₱52 ang kada kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments