Patuloy na nararanasan sa Dagupan City ang mababang presyo sa kada kilo ng bigas sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod.
Sa ngayon, nananatiling nasa P45 hanggang P46 ang maaaring mabiling pinakamababa nang presyo nito.
Sa ibang bahagi naman ng Pangasinan, ilang mga consumer reklamo ang nananatiling mataas na presyo nito.
Nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang anihan season ng mga magsasaka, bagamat bumaba na rin ang farmgate price ng parehong dry at wet palay.
Umaasa ang mga Pangasinense na apektado ng mataas na presyo ng bigas na bumaba na sa kanilang kinabibilangang lugar ang presyo ng produkto.
Samantala, matatandaan na ilang mga basic necessities at prime commodities tulad ng canned sardines, bottled water at iba ang may nakaambang taas presyo sa mga susunod na linggo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨