Kinakagat ngayon ng mga mamimili sa Dagupan City ang mababang presyo ng karneng manok sa mga pamilihan.
Kalahati kasi ang ibiniwas sa presyo ng naturang produkto kada kilo na nasa 150 pesos kung ikukumpara sa dating presyo na nasa 220 pesos ang kada kilo.
Ang ilang mamimili, naaayon naman sa kanilang budget pamalengke ang naging presyo ngayon sa karneng manok kaya naman bumibili sila ngunit inaasahan rin nila na hindi magtatagal ang pagbaba ng presyo nito.
Ayon naman sa grupong Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG, oversupply ang isa sa dahilan kung bakit bumaba ang presyo ng karneng manok mga pamilihan at aasahan na magbabago ang presyo sa mga susunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments