Malabong maisakatuparan ang mababang presyo ng bigas sa mga pamilihan ayon sa grupong Bantay Bigas. Ani ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng naturang samahan, malabo pang bumaba sa 29 pesos kada kilo ang bigas sa mga pamilihan sa kabila ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos na 20 pesos na kada kilo nito.
Sinabi pa nito na halos isang dekada nang nararanasang mataas na presyo ng bigas maging ng iba pang bilihin.
Dahil dito, hamon ng Bantay Bigas sa kasalukuyang administrasyon na ibenta ang murang bigas sa mga pamilihan at huwag lamang sa mga Kadiwa Centers upang mas maraming Pilipino ang makinabang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments