𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡

Patuloy na nararanasan sa ilang bahagi sa probinsya ng Pangasinan ang bahagyang pagbaba sa presyuhan ng produktong bigas sa mga pampublikong pamilihan sa lalawigan.

Nasa ₱46 to ₱47 ang pinakamababang presyo sa kada kilo nito ang maaaring mabili ng mga consumers.

Ayon sa mga rice retailers, unti-unti nang nagsisidatingan ang suplay ng bigas kaya naman mayroon na umanong mabibili sa mas mababang presyo.

Ayon naman sa ilang Pangasinense, bagamat magandang balita umano ang pagbaba ng bigas ay ilan sa mga ito mas pinipili pa rin ang mga kagandahan ang kalidad at kadalasang naglalaro sa ₱49 hanggang ₱52 ang higit tinatangkilik ng mga ito.

Samantala, matatandaan na simula ngayong buwan ng Marso ang peak sa panahon ng anihan ng palay ng mga magsasaka at asahan na posible pang bumababa ang presyuhan nito sa merkado, ayon sa DA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments