𝗠𝗔𝗕𝗜𝗚𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗣𝗜𝗞𝗢, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Umpisa na muling nararanasan ang pagbigat sa daloy ng trapiko sa mga kakalsadahan sa Pangasinan matapos ang selebrasyon ng Holiday Season.

Balik na sa pamamasada ang mga PUV operators matapos ang kanilang pasada break noong unang araw ng Enero ngayong taon.

Dagsa na rin ang mga bus terminals ng mga taong magsisibalikan na mula sa pinanggalingang mga lugar.

Nagsulputan din ang parehong pampubliko at pribadong mga sasakyan dahilan upang maging congested muli o bumagal ang daloy ng trapiko.

Samantala, sa Dagupan City magpapatuloy na muli ang konstruksyon ng mga road projects at inaasahan ng publiko na matapos na ito upang maging magaan na umano ang nararanasang traffic ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments