Muling nararanasan ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng lungsod ng Dagupan kung saan isinasagawa ang road elevation at drainage upgrade.
Umaga pa lang ay nararanasan na umano ng mga motorista lalo ng mga pampublikong sasakyan ang mabagal na usad ng trapiko lalo sa bahagi ng M.H. Del Pilar paliko sa A.B Fernandez Ave. dahil sa pagbabalik ng one way traffic scheme.
Una na rin naman na inabisuhan ng POSO Dagupan ang mga motorista sa pamamagitan ng kanilang facebook page ang ukol sa muling pagpapatupad ng one way traffic scheme na siyang sinimulan na noong January 6 sa request ng DPWH dahil sa mga isinasagawang road projects nito.
Tuloy naman sa pagmonitor at paggabay ang mga itinalagang traffic enforcers ng POSO Dagupan sa mga motorista lalo na sa mga bahagi kung saan ipinatupad ang naturang one way traffic scheme at sinisigurong walang aberya o aksidente man na mangyayari habang kasalukuyang isinasagawa ang mga naturang kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨