𝗠𝗔𝗗𝗜𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗥𝗘𝗧𝗘 𝗕𝗔𝗥𝗥𝗜𝗘𝗥

Hindi umano napansin ng motorista na si George Sales ang concrete barrier na inilagay sa under construction na bahagi ng national road sa Brgy. Guibel, San Jacinto dahil sa kawalan ng pailaw sa lugar.

Negatibo sa AB Test ang driver at nakasuot din ng helmet nang mangyari ang insidente.

Natumba ito at nagtamo ng minor injuries sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na agad namang nasaklolohan ng awtoridad.

Kaugnay nito, patuloy naman ang paglulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Solar Street Lights Project sa iba’t-ibang bayan ng Pangasinan upang mapanatili ang kaligtasan sa kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments