𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Iniulat na nawawala ang 13 anyos na Grade 7 student mula Guiset Sur, San Manuel na si Yvien Gabot Lagua. Ayon sa lola ng dalagita, March 26 pa umano nawawala ang biktima at huling nakita sa Juan C Laya National High School suot ang uniform nito.

Kaugnay nito sa lungsod naman ng San Carlos, nananawagan ang ina ng grade 10 student na si Franchezca Feliz Pasoquen sa mga makakakita o may alam sa kinaroroonan ng kanyang anak. Umaga ng April 1 nang ihatid ang biktima sa kanyang paaralan ng kanyang lolo. Suot din nito ang white blouse at checkered skirt na uniform.

Patuloy na pinaghahanap ang mga biktima.Nananawagan ang mga pamilya ng mga ito na ireport sa police station sa mga nabanggit na lugar kung may nalalaman sa kinaroroonan ng mga dalaga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments