𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗔 𝗚𝗨𝗢 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦

Sa naganap na pagharap ng kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na si Sheila Guo sa senado, inihayag nito na hindi sila dumaan ng Pangasinan para makalabas ng bansa.

Ayon Kay Sheila Guo, halos limang oras ang kanilang byahe mula sa kanilang farm sa Bamban patungo sa kung saan sila sumakay ng bangka palabas ng bansa.

Aniya, alam niya ang Pangasinan at tiyak itong hindi ito sila rito dumaan.

Matatandaan na idinidikit ang pangalan ng Isang alkalde ng Pangasinan kay Alice Guo dahil sa sila umano ay may relasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments