
Cauayan City – Arestado ang mag-live-in partner matapos umanong mahuling nagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan sa Barangay Plaridel, Santiago City.
Kinilala ang mga susoek bilang alyas “Juan” isang construction worker at alyas “Gina”, carwash girl, pawang mga residente ng Santiago City.
Pinangunahan ng City Intelligence Unit ang operasyon katuwang ang mga tauhan ng Presinto Dos, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quirino Provincial Office.
Nasamsam mula sa mga suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu at ₱2,500 na buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Matapos ang imbentaryo, dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa karagdagang dokumentasyon.
Samantala, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan








