𝗠𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗞 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗕𝗢𝗡𝗚, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔

Pinaghahanap ng pulisya ang 37 anyos na lalaki matapos mahuli sa aktong nagnanakaw ng manok panabong sa Brgy. Sablig, Anda, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, pumasok umano ang suspek na si Rogelio Orbisto, residente ng Central Avenue Quezon City, sa loob ng farm at tinangay ang dalawang manok panabong na nagkakahalaga ng P5, 000.

Tumakas umano ang suspek gamit ang kaniyang motorsiklo at sa pagmamadali nito naiwan ang kaniyang driver’s license at ang dalawang manok na kinuha sa farm.

Matapos makalayo sa farm, iniwan din nito ang motorsiklo , 15 metro ang layo sa farm.

Nagpapatuloy ang pagtunton ng pulisya sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments