𝗠𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗗𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔

Arestado ang bente-kwatro anyos na lalaki dahil sa panloloob sa isang compound ng Barangay San Miguel sa bayan ng Calasiao.

Ang suspek ay nahuli sa aktong nagnanakaw ng mga materyales sa isang construction site. Nagkakahalaga naman ng 50,000 pesos na construction materials ang natangay, kabilang na rin ang siyam na tangke ng LPG, at pati na ang pinto.

Samantala, napag-alaman din ng awtoridad na nagnakaw rin ito ng materyales sa ginagawang bahay sa iisang compound.

Dagdag pa riyan, ayon sa pulisya, nahulian din ito ng isang pakete ng Marijuana.

Nakahanda na ngayon ang mga kasong isasampa laban sa suspek na theft at paglabag sa Republic act 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments