
CAUAYAN CITY β Nahuli ng Dupax Del Norte Police Station ang isang magsasaka matapos itong mahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng kapulisan sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang suspek na si alyas βBongβ, trentayβ nuebe-anyos at residente rin sa nabanggit na lugar.
Naaresto ang suspek matapos nitong bentahan ng ilegal na droga ang isang awtoridad na nagpanggap bilang poseur buyer.
Sa isinagawang operasyon, nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at ilang pirasong plastic sachets.
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.