Sunday, January 18, 2026

π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—žπ—”, π—‘π—”π——π—”π—žπ—œπ—£ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—£π—”π—šπ—£π—”π—§π—”π—¬


β€ŽCauayan City β€” Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na akusado sa kasong pagpatay sa isinagawang operasyon noong, Enero 16, 2026, dakong alas-6 ng gabi sa Brgy. San Francisco Sur, San Guillermo, Isabela.

β€ŽKinilala ang suspek na si alyas β€œBong,” 46 taong gulang, may asawa at isang magsasaka.

β€ŽBatay sa ulat, ang warrant of arrest laban sa akusado ay inilabas pa noong Hunyo 30, 2003 ng Regional Trial Court Branch 16 sa Ilagan City kung saan walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

β€ŽMatapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at isinailalim sa kaukulang dokumentasyon at turnover procedures.

β€ŽAng operasyon naman ay pinangunahan ng Naguilian Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Isabela PPO at ang Regional Intelligence Unit 2 – PIT Isabela East.

β€ŽSource: PNP ISABELA
photo: for illustration only
————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments