CAUAYAN CITY- Hindi nakaligtas ang mga magsasaka ng Brgy. Union sa matinding epekto ng El Niño Phenomenon sa kanilang pananim.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Melvin Antonio, noong nakaraang ani ng mais ay bahagyang nakaranas ng pagkalugi ang ilang magsasaka dahil sa matinding init ng panahon.
Aniya, nasa dalawampung porsyento ang naapektuhan sa kanilang pananim na mais lalo na ang mga magsasakang nagtanim sa matataas na lugar kung saan mabilis na natuyo ang lupa.
Sinabi pa nito na malaking tulong ang naranasang pag-ulan ngayon dahil may mangilan-ngilan ng mais ang naapektuhan dahil sa kakulangan ng tubig.
Facebook Comments