𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢

Patay ang isang magsasaka matapos mabangga ng motorsiklo sa bayan ng Anda.

Ayon sa pulisya, binagbagtas ng 16 anyos na driver ng motorsiklo ang kahabaan ng Barangay San Jose sa bayan nang biglang tumawid ang 59 anyos na biktima.

Sinubukan pa umanong iwasan ng driver ng motorsiklo ang biktima ngunit nabangga pa rin niya ang biktima.

Itinakbo sa pagamutan ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival ang biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments