𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Purok 4 Brgy. Rizal, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Bonbon”, 33-anyos, at residente ng Purok 4 San Miguel, Ramon, Isabela.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.5 gramo at nagkakahalaga ng P3,400.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, mahaharap si alyas “Bonbon” sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments