Mas dagsa, noong December 27, ang fish market sa Dagupan City kumpara noong mga nakaraang araw kasunod pa rin ng pagdiriwang ng holiday season.
Ilan sa mga higit tinatangkilik ay mga lamang dagat o seafoods tulad ng hipon na naglalaro sa ₱350 hanggang ₱400 ang per kilo nito, at mga uri ng alimango.
Mabenta rin sa iba ang shellfish na tahong na nasa ₱70 hanggang ₱90 ang isang sukat, talaba na nasa ₱100 naman.
Nananatili ring stable ang presyuhan sa bangus kung saan naglalaro ito sa ₱150 pesos ang kada kilo.
Matatandaan na kabilang ang seafoods sa mga inirekomenda ng Department of Health na ihanda sa mga selebrasyon bilang panlaban sa mga makolesterol na pagkain.
Samantala, inaasahan ng mga fish vendors na mas dadagsain pa ang wet market, ilang araw bago ang selebrasyon ng bagong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨