𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗡𝗜 𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡

Patay ang isang singkwenta y dos anyos na ginang habang kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang mister nito matapos silang masangkot sa aksidente sa bayan ng Mabini.

Nakilala ang mga biktima na sina Samuel at Maridenie Nevado na nga residente ng bayan ng Burgos.

Lumalabas sa imbestigasyon na sakay ng motor ang mag-asawa pasado alas tres ng hapon sa bahagi ng brgy caranglaan bayan ng Mabini nang tinangka umanong mag-overtake ng isang SUV subalit may napilitan itong bumalik sa linya dahil may sasakyan na makakasalubong na naging dahilan upang mahagip ang motor ng mag-asawa at tumilapon ang mga ito.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mag-asawa na agad naman isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival ang ginang habang patuloy na inoobserbahan pa ang kanyang asawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments