𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗥𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Patay ang mag-asawa sa Lingayen Pangasinan nang hindi na nakalabas sa loob ng nasusunog na bahay. Ang misis ay isang 31 anyos na public school teacher at ang mister nito ay 35 anyos na factory worker sa Korea.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, napansin ng isang residente mula sa Brgy. Matalava ang sumiklab na sunog mag-aalas tres ng hapon at ipinagbigay alam ito sa pulisya.

Di umano nakaamoy pa ang ina ng Isa sa mga biktima ng tila nasusunog sa bahagi ng kusina at nakarinig ng malakas na pagsabog.

Sa sandaling iyon, naiwang natutulog umano ang mag-asawa sa kanilang kwarto. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments