
Cauayan City – Nasabat ang 267 rims ng pekeng sigarilyo ng pinagsanib puwersa ng 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company, Aritao Police Station, at Police Intelligence Unit (PIU) ng NVPPO sa isang buy-bust operation bayan ng Aritao.
Arestado sa operasyon sina alias “Tino,” at alias “Shine,” mag-asawa at residente ng Purok Sampaguita, Barangay Tucanon, Aritao, Nueva Vizcaya na bigong magpakita ng mga legal na dokumento.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 40 rims ng RED, 100 rims ng LIGHTS, 87 rims ng BLACK, at 30 rims ng RGB cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng ₱106,800.00.
Matapos ang imbentaryo, dinala ang mga suspek sa Aritao Police Station para sa kaukulang proseso at pagsasampa ng mga kaso.
Samantala, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.
Photos for Illustration Only
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










