𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘-𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗦𝗜𝗠 𝗖𝗔𝗥𝗗

Timbog ang mag-asawa sa isinagawang entrapment operation ng awtoridad matapos mahuling nagbebenta ng pre-registered sim cards sa Brgy. Cablong, Pozorrubio, Pangasinan.

Ang mga suspek ay residente sa lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nabisto ang illegal na gawain ng dalawa matapos mag-alok ng pre-registered sim cards sa isang facebook group.

Dito umamin ang isa sa mga suspek na mayroon itong aabot sa 600 piraso ng sim card na nagkakahalaga ng P9, 000.

Haharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 11934 o ang Sim Registration Act at RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments