𝗠𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬, 𝗛𝗜𝗡𝗢𝗟𝗗𝗔𝗣

Biktima ng pagnanakaw ang mag-inang fish vendors sa Malimgas Fish Market sa lungsod ng Dagupan matapos na tangayin ang kanilang kinita habang papauwi sa Binmaley, Pangasinan.

Kinilala ang mga biktima na sina Priscila Rosario Agustin, 51 anyos, at Florita Rosario Fabia, 74 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon at salaysay ng mga biktima, kabababa lamang ng mga ito sa tricycle matapos holdapin ang kanilang kinita sa pagtitinda ng dalawang suspek at tinutukan ng baril ang mga ito.

Tinangay ng mga suspek ang shoulder bag na naglalaman ng 50,000 pesos at isang cellphone saka tumakas gamit ang motorsiklo.

Nagsagawa naman ng dragnet operation, reviews at backtracking ng cctv footage ang Binmaley Police Station habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments