π— π—”π—š-π—Ÿπ—œπ—©π—˜ π—œπ—‘ 𝗣𝗔π—₯π—§π—‘π—˜π—₯ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘

Arestado ang mag live-in partner sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas β€œAdor” na tubong Brgy. Pantal at ang kanyang kinakasama na si alyas β€œDianne” na residente ng Brgy. Embarcadero sa Mangaldan.

Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, nahulihan ang mag-live in partner ng apat na sachet ng shabu, isang kaha ng sigarilyo, sling bag, mark money at boodle money.

Nasa custodial facility ng Dagupan City police station ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments