Binigyang diin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 Fisheries Management Regulatory and Enforcement Division ang importansya at papel ng bantay dagat pagdating sa pasisigurong protektado ang mga sakop na karagatan ng rehiyon.
Ayon kay BFAR Region 1 Fisheries Management Regulatory and Enforcement Division Chief, Mr. Reginald Laxum Atabay, may mga programa sila at proyektong isinasagawa para sa technical assistance sa mga lokal na pamahalaan pagdating sa kanilang fish sanctuaries.
Mahalaga ang gampanin ng mga bantay dagat sa rehiyon para sa pagpoprotekta ng ating karagatan kung saan kamakailan ay sumailim pa ang mga ito sa training ng bfar para sa pagpapataas pa ng kanilang kaalaman sa pagbabantay ng karagatang sakop.
Kasama sa mga programa ng Fisheries Management Regulatory and Enforcement Division mga artificial reef at fish sanctuaries, malinis at masaganang karagatan, balik sigla sa ilog at lawa, Marine Mammal Stranding, at Fisheries Management Area 6. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨