Nakapagtala ng panibagong 61 kaso ng COVID ang Department of Health β Ilocos Center for Health Development (DOH-CHD1), mula Enero 14-20, 2024 sa rehiyon uno, base sa inilabas nitong COVID-19 case bulletin nitong ika-22 ng Enero.
Lumalabas sa datos ng DOH-CHD 1 na may average na 9 na kaso ang naitatala araw-araw. 6% sa mga Non-ICU Bed at 8% naman sa ICU Bed ang okupado. Ayon sa DOH-CHD1, mas mababa ito ng 43.5% kumpara sa mga naitala noong Enero 7-13.
Sa mga naitalang bagong kaso, 1 rito ang may malubha at kritikal na karamdaman at 1 ang bilang ng pumanaw nitong linggo.
Sa ngayon, 3 milyong indibidwal o katumbas ng 102% na ang bakunado mula sa target na populasyon nito. 1.5 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Dagdag pa, nasa halos kalahating milyong senior citizens ang nakapagpabakuna na ng kanilang primary series.
Patuloy ang pagpapaala ng kagawaran ng kalusugan na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Hinihikayat nila ang bawat isang patuloy na sundin ang mga minimum public health standard para sa kaligtasan ng bawat isa. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments