
Cauayan City – Ilulunsad ngayong araw, January 20, 2026 sa Barangay Sto. Tomas, Alicia, Isabela ang kauna-unahang Bayanihan SIM-free simcard para sa mga mag-aaral bilang bahagi ng programa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 2.
Aabot sa 2,780 na mag-aaral at guro ang makikinabang sa inisyatibong ito, na naglalayong suportahan ang kanilang pag-aaral at mas mapadali ang koneksyon.
Papangunahan ni DICT 2 Director Pinky Jimenez ang aktibidad kasama ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) Region 2.
Layunin ng programa na masiguro na bawat mag-aaral at guro ay may access sa reliable na komunikasyon para sa kanilang mga aralin at online activities.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










