CAUAYAN CITY – Ipinagkaloob ng SN Aboitiz Power Magat (SNAP-MAGAT) ang mahigit isang libong gatas na nagkakahalaga ng P2 milyong pisong gatas bilang suporta sa Busog-Lusog Milk Feeding Program.
Target ng naturang programa ang mga vulnerable groups gaya ng malnourished children na nasa edad 3 pataas, mga senior citizens, buntis at lactating mothers sa buong lalawigan ng Isabela.
Layunin nitong masiguro na may sapat na sustansya ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pag-inom ng gatas at bilang hakbang na rin ng Provincial Government of Isabela (PGI) sa pagpapababa ng malnutrition rates sa buong lalawigan.
Kung matatandaan, nagsimula na maging katuwang ng PGI ang SNAP-MAGAT sa nasabing programa matapos ang paglagda ng kasunduan sa pagitan ng SNAP-MAGAT at ni Governor Rodito Albano III noong taong 2021.