CAUAYAN CITY – Umabot na sa 51,178 food at non-food items ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 sa mga biktima ng bagyong kristine sa lambak ng Cagayan.
Kasama sa mga ipinamahaging relief goods ang 46,672 family food packs, bottled water, at 3,506 non-food items na nagkakahalaga ng Php 38 milyon.
Kabilang dito ang mga pangunahing pagkain at non-food items tulad ng hygiene at sleeping kits.
Layunin ng DSWD na agad maiparating ang tulong sa mga nasalanta, alinsunod sa utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Patuloy na nakaantabay ang ahensya para magbigay ng suporta sa mga LGU sa rehiyon.
Sa ngayon, umabot na sa 63,835 pamilya ang apektado ng bagyo sa rehiyon.
Facebook Comments