𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗛𝗣 𝟭𝟱𝟬 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Umaabot sa 152 milyong pisong danyos ang naitala sa Ilocos Region dulot ng El Niño nito lamang katapusan ng Abril, taong 2024.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), apektado ang kabuuang 3,141.9 na ektarya ng sakahan at 5,986 na bilang ng magsasaka sa buong rehiyon.

Batay sa ulat ng kagawaran, pumapangalawa umano ang Pangasinan sa may pinakamalaking pinsala na may 34.3 milyong piso sa mais, 27.5 milyong piso sa palay, habang nananatili namang walang kasiraan sa high-value crops ng lalawigan.

Nagbigay naman ang National Irrigation Administration (NIA) ng mahigit 643 water pumps sa mga apektadong lugar sa Pangasinan na kung saan kalahati ng 1 bilyong pisong budget para sa solar water irrigation systems ng probinsya ang nagamit na para sa taong ito.

Dagdag pa rito, nagpaabot din ng cash assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong magsasaka sa iba’t ibang lokalidad ng rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments